- Kilala mo si Mang Pogs.
- Nalilito ka kung saan nakalagay ang banga ni Mariang Banga.
- Tubig na lang ang tingin mo sa gin.
- Ginamit mong reviewer ang mga old exams para sa mga midterms, prefi at finals sa math, stat, chem, physics, eco etc.
- Hindi ka sumasagot ng UP (yupeee) kapag tinanong ka kung saan ka graduate.hahaha! sagot mo elbi.
- Taga-elbi ka kapag kilala mo yung professor na nagbi-bike ng naka-barong na kupas. (Si climax! kalahating albert einstein, kalhating mang pandoy)
- Ok lang pumasok sa mga klase kahit naka pambahay/ pantulog attire ka.
- Pag nagtanong si manong driver ng "may animal ba dyan?", at may sumagot ng "meron po" ay di ka natawa.
- Pag nagtanong uli si manong driver ng "may mens ba dyan?", at may sumagot uli ng "meron po" ay di ka natawa.
- Di ka nahihiyang magbitbit ng malaking payong.
- Taga-elbi ka kung pagkatapos mong magbakasakali kay Mang Pogs, diretso ka na kay Mr. Midnight .
- Bumibili ka ng blue book sa Coop.
- Alam mong hindi pwedeng ibato ang Batong Malaki.
- Nung pinanood mo ang movie ni aga at regine na shot at elbi (sa may gaygay gowns) at nagtawag ng taxi si regine e nagtawanan kayo ng mga taga-LB at clueless ang iba.
- Alam mo kung nasaan ang White House.
- May tanline ka ng tsinelas.
- Alam mong mas masarap ang pancit canton na niluto sa 'heater cup'
- Sanay ka maglakad.
- Thursday night ang gimik night mo.
- Alam mo na ang pinakamalaking banyo ay ang Ellen's Fried Chicken, at Sizzler's ang tinitingalang kainan.
- Kilala mo sina Saniano Boy at Girl.
- Alam mo kung nasaan ang "Johnson".
- Alam mo ang kaibahan ng dalawang Flatrocks.
- Kaya mong pumasok ng hindi naliligo.
- Alam mong si Carasus at Pegabao ay iisa.
- Alam mong ok lang na pumunta sa Maahas.
- Tumatambay ka sa APEC para mag inom.
- Alam mo kung nasaan ang Fertility Tree, Kwek Kwek Tower, at ang Templo ni Bruce Lee.
- Tuloy ang klase kahit signal number 3 na.
- Alam mo kung saan ang pilahan ng jeep papuntang IRRI, Forestry, o kaya ay Jamboree...
- Hindi ka kumakain ng buko pie.
- Alam mo na bago pa man nauso ang unli rice sa Tokyo Tokyo, marketing strategy na ito ng Salad Country.
- Hinahanap-hanap mo ang chocolate cake sa Mer-Nel's.
- Alam mong bawal tumawid sa UPLB Gate(main), muLa Guard House papuntang harap ng Carabao Park...
- Alam mong may oras lang na pwede kumain sa IRRI pag di ka IRRI employee.
- Sanay ka maglagay ng Knorr Seasoning sa kanin.
- Alam mong ang hanging bridge ay di talaga naka hang..
- Alam mong hindi lang dalawang pulgada ang layo ng Bayog sa Anos.
- Kapag nate-take mo na di magpalit ng pants hanggang ilang araw.. hehe..
- Alam mo kung nasaan ang tatlong Ellen's fried chicken sa LB.
- Apektado ka sa pagsasara ng ic's
- Pag may sakit ka, hindi ka pupunta "infirmary" except lang pag kukuha ka ng excuse slip.
- Marami kang alam na ghost stories, sa ilag's, sa men's dorm, sa faculty village, sa may social garden etc...
- Pag umihi ka na sa gilid ng SU (tuwing feb fair).
- Alam mo na ang tunog ng pillbox. (rambol!)
- Taga lb ka kapag kilala mo si "manang slow"..
- Hindi mo na naabutan ang Vega mall at Robinson's.
- Taga elbi ka kapag mas gusto mong tumambay pag feb fair kesa manood ng kung anuman sa stage.
- Kaya mong i-identify ang specie at subspecie ng bawat punong nadadaanan mo.
- Alam mo na ang shortest way sa papuntang st. therese from Hum ay ang dirt road...
- Taga-elbi ka kapag alam mo kumbaket maraming natatalisod sa raymundo gate.
- Hindi mo kailangan ng rason para uminom ... hindi mo na rin keilangan ng mesa pag iinom (... hindi mo na rin minsan kailangan ng baso ).
- Alam mo kung nasaan ang Soils.
- Mas trip mo mag-redhorse kesa mag San Mig Light.
- Kung di man natuloy ay binalak mong umakyat ng peak two.
- Taga elbi ka pag nakakita ka ng snow pag summer (yun yung bulak na nagkalat sa campus... kapok).
- Taga-elbi ka rin pag handa mong gawin ang lahat pag nag-peprerog ka makakuha ka lng ng slot sa subject na yon (lalo na pag GE).
- Alam mo kung saan makakabili ng masarap na proven at chicken skin--> dun malapit sa white house.
- Alam mong ang devcom ay dating under ng ca.
- Mas enjoy mo ang gimik sa apartment compared to bars and restos.
- Alam mong ang "audi" at DL Umali Hall ay iisa.
- Alam mong may gasolinahan sa loob ng campus (sa likod ng CEAT)
- Sineryoso mo na kailangan may kasama kang date pag drill night.
- Alam mo kung nasaan ang Ilag's, Raymundo's at Catalan.
- Dismissed ka na pero sa elbi ka pa rin nakatira.
- Alam mo kung nasaan ang Batcave.
- Gusto mong pasabugin ang PhySci building.
- Alam mong ang LB Square ay dating vacant lot na puro talahib.
- Nakapanood ka na ng sine sa Agrix.
- Taga elbi ka pag naranasan mo ang mag rali, mag martsa, mag boykot , mag noise barrage at ipa bang porma ng sama-sama pagkilos.
- Alam mo nasa Agronomy Bldg din ang Soil Science Dept. at Horticulture Dept. kasama ngAgronomy Dept.
- Alam mo mas malinis ang toilets sa Bio Sci kaysa sa Phy Sci Bldg
- Alam mo na me St. Therese Dorm malapit sa Chapel
- Alam mo kung san ang open Chapel sa Taas papunta sa National Arts Center.
Friday, March 7, 2008
Taga-UPLB ka kung...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment